Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obra ng 2 Pinoy sa Carter tribute

0 245

Iba ang Pinoy!

Itatampok ang obra ng dalawang Pilipino artists na sina Jayson Atienza at AJ Dimacurot.

Napili ang kanilang mga iginuhit para sa nagretirong NBA star na si Vince Carter.

Agaw-eksena ang dalawa dahil kinilala at naihilera ang kanilang piyesa sa buong mundo.

Masisilip ito sa tribute website na inilunsad para sa NBA legend.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa kanilang IG posts si Atienza at Dimarucot sa mga nasungkit na karangalan.

Higit dalawang dekada ring naglaro sa NBA si Carter kung saan kamakailan lang ay inanunsyo na ang kanyang pagreretiro sa naudlot na 74th o 2019-20 season. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.