Abante Tonite Interactive

Obra ng Pinay designer napiling isuot ng pambato ng Cuba sa Miss Intercontinental 2019

328

Isang Pinay designer ang kinagiliwan at napili ng isang kandidata sa Miss Intercontinental 2019 na gumawa ng kanyang national costume para sa gagana­ping event dito sa bansa ngayong Enero 26.
Sa isang ulat, nabatid sa Pilipinang designer na si Kirsten Regalado, na two-piece ang gagawin nitong national costume ng kandidata ng Cuba na si Cynthia Linnet Lau. Bukod sa obra nitong two-piece ay sasamahan niya rin ito ng malaking headdress at iba pang accessories upang kuminang ang alindog ng pambato ng nasabing bansa.
Sa gagawin nitong suot ng kandidata ay lulutang ang iba’t ibang kulay ng Cuban flag  kasama na rito ang ­tubig at vintage cars sa nabanggit na bansa, na isang island country.
Isang team ang kasama ni Regalado mula sa ­Miami, Florida na gumagawa ng nabanggit na costume.
Credit: Kirsten ­Regalado