Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obrero pinosas saka sinalvage

0 36

Patay ang isang obrero na mula pa sa Lucena City matapos siyang dalhin ng mga hindi nakilalang suspek sa bayan ng Unisan, Quezon lulan ng isang sasakyan at doon pinagbabaril, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Robinson Rey Aumentado, 35-anyos, residente ng Barangay Mayao Crossing sa Lucena.

Batay sa report ng Unisan police, mag-aalas-10:00 kamakalawa ng umaga nang makita ang biktima na lulan ng isang kulay itim na Mitsubishi Adventure at kasunod ang isang kulay gray na Mitsubishi Lancer.

Subalit pagdating sa Barangay Ibabang Bulo, nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita na mabilis na papaalis ang Adventure.

SM food to go Banner Ad

Iniwan ng mga tumakas na suspek ang wala nang buhay na katawan ng obrero na nadiskubreng nakaposas ang mga kamay.

Iniwan din ng mga ito ang kotse hindi kalayuan sa biktima.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. Inaalam din ang dahilan ng pagpatay sa biktima at kung sino ang mga salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.