Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obrero tinarget sa ulo ng tandem

0 100

Todas ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Batangas, kamakailan.

Ayon sa Batangas Provincial Police, nasawi si Randy dela Peña, construction worker, nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong nakamotorsiklo sa bayan ng Mataas na Kahoy.

Batay sa imbestigasyon, si Dela Peña ay nakikipag-usap sa mga kaibigan sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Bayorbor bandang alas-1:10 ng hapon nang atakehin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huminto malapit sa kanya ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, at agad na binaril ng dalawang beses sa ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam ngayon ng mga pulisya kung sino ang mga suspek at ano ang motibo sa pagpatay. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.