Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Obrero tinuluyan sa sasakyan

0 54

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 39-anyos na construction worker na binaril sa loob ng isang sasakyan sa Bacoor City, Cavite, Linggo ng hapon.

Isinugod pa sa Las Piñas City Medical Center ang biktima na si Ato Macalanga Abdullah, ng Brgy. Hagunog, Taguig City habang pinaghaha­nap naman ang suspek na kinilalang si Jerome Mendoza alyas ‘Jam Muslim’, nasa wastong edad, ng Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Sa ulat ni P/SSgt. Edison Fetalculin ng Bacoor City, Cavite ga­ling umano ang biktima sa Latero Greenvalley at pumasok sa loob ng pu­ting Toyota Vios na may plakang AIJ 587 at nakaparada sa harapan ng Alfamart-Latero Branch dakong alas-3:00, kamakalawa ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Saglit lang ay dumating ang suspek at walang sabi-sabing binaril si Abdullah gamit ang isang kalibre .45 na baril.

Matapos ang pamamaril, pinaharurot ni Mendoza ang kanyang get-away car patungo sa direksiyon ng Las Piñas City habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.