Abante Tonite Interactive

Obserbasyon sa 18th Asian Games 2018

By
0 344

Nakapag-cover po ang inyong lingkod ng 18th Asian Games 2018 sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2.

2 lang kami ni kasamang Manolo Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasign sa Palembang. Ang mga kasama natin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr., Rierra Mallari, Randy Caluag, Angelito Oredo, Peter Paul Patrick Lucas at Noilon Reyes, mga nadestino lahat sa main hub sa Jakarta.

Sa may 16 na araw ko sa nasabing lungsod ng South Sumatra Province, nakoberan ko ang gold medal performance ni Margielyn Arda Didal sa women’s street skateboarding.

Abante Hiring – IT dep

Gayundin ang mga pagpasok sa finals ng ating mga paddler sa traditional boat race at canoe, at muntikang pagsampa sa bronze matches ng ating sepak takraw team, soft tennis squad, at mga pagka­bigo ng tenpin bowling, lawn tennis, at shoo­ting.

Madalas akong nakakakita ng mga atletang malulungkot at ang iba pa’y umiiyak sa sandaling sila’y matalo sa bawat laban nila sa iba’t ibang playing venue.

Masisilayan mo ang lalim at lawak ng kanilang pagka-patrio­tic o pagmamahal sa kanilang bansa ang paraang iyon. Matagal silang humahagulgol at nalulungkot sa aking obserbasyon.

Sa ating mga Pinoy, medyo iyon ang kulang.

Kasi pagkatapos na pagkatapos ng bawat laban kapag talo, parang normal lang ang lahat sa kanila. Wala akong nakitang umiyak sa ating mga manlala­ro o atleta. At madali rin silang makabalik sa normal na sitwasyon tapos matalo.

1 pang nasilip ko ay ang sobrang palakaibigan ng ating mga athlete sa kapwa nila mga oposisyong player.

Sana lang magawan ng paraan nina Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee ang kababawan sa pagmamahal sa ating inang bayan ng mga magigi­ting naman nating mga atleta.

***

Advance happy birthday to former The Freeman sports editor Nimrod Quinones of Cebu City and now general manager of Alta Vista Golf and Country, who turned another year older on Sept. 21. Greetings from Caecent No-ot Magsumbol.