Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Occidental Mindoro gov inatake ng saksak sa opisina

0 73

Kalaboso ang isang lalaki matapos nitong atakihin ng kutsilyo si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano sa loob ng opisina nito sa kapitolyo ng bayan ng Mamburao kahapon.

Nahaharap sa kasong attempted murder ang suspek na si Adriane Gatdula, 53. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa loob ng Governor’s office sa Provincial Capitol Building sa Brgy. Payompon, Mamburao.

Abala umano si Gadiano sa kanyang trabaho at pakikiharap sa mga tao nang bigla na lang sumingit ang suspek na armado ng patalim at ibinato ito kay Goveror Gadiano subalit suwerteng nailagan ito ng biktima.

Naglabas pa ng dalawang patalim ang suspek at tangkang susugurin ang gobernador pero agad itong hinarang ng biktima gamit ang upuan hanggang sa sumaklolo na ang mga bodyguard nito at nakorner sa ang suspek.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa tangkang pagpatay sa gobernador o kung mayroong nag-utos sa kanya. Ayon naman kay Gadiano, wala siyang anumang natatanggap na banta sa kanyang buhay at wala rin umano siyang nalalaman na maaaring gumawa nito sa kanya.

Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang suspek hinggil sa insidente at patuloy itong iisnasailalim sa interogasyon ng pulisya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.