Abante Tonite Interactive

OCD Asec Purisima sinibak ni Digong

0 612

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ang Asssitant Secretary ng Office of the Civil Defense (OCD) na si Kristoffer James Purisima.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nawalan umano ng tiwala ang Pangulo kay Purisima.

Gayunman, hindi idinetalye ni Roque ang dahilan kung bakit nawalan ng tiwala ang Presidente kay Purisima.

“The Palace confirms that Office of the Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima has been relieved from his post effective immediately due to loss of trust and confidence,” ani Roque.

Kasabay nito, kinumpirma ng kalihim na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Use Eliseo Rio, Jr.

Pinasalamatan ng Palasyo si Rio sa serbisyo nito sa bansa sa ilang taong nagsilbi sa gobyerno.

“The Palace thanks Usec. Rio for his invaluable services to the nation and we wish him well in all his future endeavors,” dagdag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na mami-miss niya si Rio dahil noong bagong miyembro siya ng gabinete ay naging seatmate niya ito ng isang taon sa mga cabinet meeting. (Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad