Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ochoa, Huelgas may isisiwalat

0 265

Tambalan sina many-time world women’s jiu-jitsu champion Margarita ‘Meggie’ Ochoa at two-time Southeast Asian Games men’s triathlon gold medalist Nikko Bryan Huelgas sa pagsiwalat sa mga kasikatan para makilala ng sambayanan sa 2021 Philippine Sports Commision-National Sports Summit.

“Making a Mark Through Sports” ang tema ng ika-10 sesyon ng PSC-NSS ngayong Miyerkoles via Zoom simula sa ala-1:00 nang hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ililitanya ni Ochoa ang pagiging kauna-unahan niyang Pinay na world jiu-jitsu champion noong 2018 at kasalukuyang director sa Social Responsibility ng Jiu-Jitsu International Federation (JJIF).

Ibabahagi naman ni Huelgas sa talakayan ang tinatahak niya sa sports, karera at sa buhay pagkatanggap sa taong ito ng merit medal sa Philippine Air Force bilang frontliner sa panahon ng Covid-19 at ibubunyag ang mga plano’t proyekto ng Philippine Olympic Committee athletes commission kung saan siya chairman. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.