Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ochoa problemado sa 2 world jiu jitsu

0 33

Naghahanap ng sponsor si Jiu-Jitsu Federation of the Philippines star Margarita ‘Meggie’ Ochoa upang masalihan ang tatlong world championships sa huling quarter ng 2020.

Sa tatlo, isa lang ang maaring masagot ang gastos ng JJFP samantalang ang dalawa ay bomalabs matustusan dahil sa hindi kasapi sa international organization ang kanyang kinaaanibang pederasyon.

Ang mga ito ay ang Jiu-Jitsu International Federation World Championships sa Oct. 30-Nov. 7 sa Abu Dhabi, Abu Dhabi World Pro Jiu-Jitsu Championships sa Nov. 17-19 sa UAE pa rin, at International Brazilian Jiu-Jitsu Federation World Championship sa Dec. 9-12 sa Anaheim, California.

Sa JJIF World Championships nakamit ni Ochoa ang kanyang world title noong 2018 sa Sweden. Huli niyang gold medal ang sa 2019 PH Southeast Asian Games women’s 45-kilogram division. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.