Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OCTA naalarma sa UK variant

0 250

Bagamat pabor ang OCTA Research na buksan na ang mga sinehan at parke upang unti-unting makabalik sa sigla ang bansa, hinikayat pa rin nila ang publiko na mag-ingat sa banta ng panibagong COVID-19 variant kung saan ay epicenter umano ang National Capital Region (NCR).

Sa public press briefing nitong Sabado, hinikayat ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research ang pamahalaan na obserbahan ang paglaganap ng impeksyon partikular sa NCR at agad na gumawa ng polisiya base sa datos.

“We still consider NCR as the epicenter so kailangan natin na we make policies. We must base it on data and evidence and our previous experience with COVID last year,” paliwanag ni Ong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Ong na bagamat pabor sila sa posibleng pagbubukas ng mga sinehan at parke pero dapat mahigpit na ipatutupad ang mga minimum health protocol tulad ng social distancing, face mask at face shield.

Samantala, ipinahayag naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang sapat na ebidensya para magdeklara na may community transmission na ng UK variant sa bansa matapos na maitala ang panibagng 19 na kaso nito.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.