Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OCTA sinisilip ng 5 mambabatas

0 95

Limang mambabatas ang sama-samang naghain ng resolusyon upang suriin ang kuwalipikasyon at credentials ng OCTA Research.

Sa House Resolution 2075 ay hiniling ng mga kongresista na mag-imbestiga ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa nasabing independent research group.

Ang resolusyon ay inihain nina Deputy Speakers Bernadette Herrera at Kristine Singson-Meehan, AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, Marikina Rep. Stella Luz Quimbo at Quezon City Rep. Jesus Suntay.

“There is a public health and public policy need to ensure the safety and security of the population during this pandemic, and that information being distributed is correct and are not irres­ponsibly and erroneously published,” saad ng resolusyon.

Simula noong nakaraang taon ay ginagamit na ng local media ang mga babala at datos na inilalabas ng OCTA. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.