Abante Tonite Interactive

Odom, Brownlee gigil na sa Dubai basketball

363

Bitbit ang kumpiyansa, lilipad na ngayong Huwebes ang Mighty Sports patungong Dubai sa United Arab Emirates para sa 30th Dubai International Basketball Championship sa Sbabab Al Ahli Club.

Mag-o-open ang 10-club tournament bukas, Biyernes kasama sina coach Charles Tiu at team owner Alex Wong­chungking, umaasa ang team sa positibong resulta sa pagpasok nina dating Los Angeles La­kers star Lamar Odom, Chinese league veteran Randolph Morris, at Fil-Am Jason Brickman at Roosevelt Adam.

Puntirya rin ni Wongchung­king na nakalimutan na ng tropa ang pangit na pinakita sa unang pagsalang sa torneo may dalawang taon na ang nakararaan.

“Though our team is still a work in progress, we will go to Dubai with a mission of slaying the ghost of 2017. It’s a tough mission but I am confident they will do their best to give honor to our country,” sabi ni Wongchungking.
Noong 2017, isang panalo lang ang naibuslo ng Mighty Sports sa pitong laro sa pangu­nguna nina Hasheem Thabeet at Justin Brownlee.

Umaasa rin si Brownlee na sa pangalawang beses niyang pagsabak sa liga ay maging maganda na ang resulta.
“We’ll do our best to win the championship,” wika ni Brownleee.

Bagama’t hirap pa rin si Odom na maibalik ang kanyang dating laro, umaasa pa rin si Tiu na malaki pa rin ang matutulong nito sa koponan.

“The team is improving and even the locals are doing OK,” wika ni Tiu.