Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Off duty na pulis inambus

0 69

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) kaugnay sa pamamaril sa isang opisyal ng pulis sa Barangay Culiat, Quezon City kahapon.

Ayon kay QCPD Director, PBGen. Ronnie S Montejo, nakilala ang biktima na si Police Lieutenant Samad Baharan, 53-anyos, naka-assign sa Police Community Affairs Development Group (PCADG) sa Camp Crame at residente ng Salaam Compound, Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa report, naganap ang pananambang alas-9:15 Sabado ng umaga sa Tandang Sora Ave., Barangay Culiat habang sakay ng Kawasaki Fury na may plakang 3977NQ ang biktima.

Sinasabing off-duty ito at papunta sana sa palengke nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad namang inireport ng ilang saksi ang pamamaril sa pulis sa kalapit na Talipapa Police Station (PS 3) at nirespondehan ni PLtCol. Jeffrey Bilaro at nakitang may tama ng hindi pa malamang uri ng baril sa katawan ang biktima.

Agad namang pinaiimbestigahan ni PBGen. Montejo ang insidente at kung ano ang motibo sa krimen. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.