Abante Tonite Interactive

Oftana, Beda ‘di papawalis

116

Nalagot ang 18-game winning streak sa two-round eliminations at nabaon sa 0-1 sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019 best-of-three finals ang San Beda Red Lions kontra Letran Knights.

Swak sa kawalan ang kayod nina Evan Nelle, MVP Calvin Oftana at James Canlas na 20 at tig-11 points, ayon sa pagkakasunod, sa pagsuko ng SBU ng 64-65, aktuwal na lumagare sa 32-game winning run na nagsimula noong August 2018.

Luhaang makikidigma sa Game 2 ang Mendiola-based dribblers, pero malayo pa para isuko ang trono sa kalabang bumulaga na rin sa kanila sa paggabay ni coach Aldin Ayo patungo sa titulo noong 2015.

“We are looking forward to having a fresh mind and being ready on Friday,” pabatid ni Beda coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III sa counterpart sa CSJL na si Bonnie Tan. (ED)