Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oftana-Belga trade inayawan

0 498

Nalula ang NLEX sa pagkuha sa serbisyo ni Beua Belga via trade nang hingin ng Rain Or Shine ang first round, third overall pick na si Calvin Oftana.

Hindi maitago ang pagnanais ng Road Warriors na makakuha ng big man sa katauhan ni Belga. Pero hindi rin naman mabitawan ang kamador na incoming rookie at future ng team.

Kaya tablado ang swap sa kasalukuyan dahil tinaggihan naman ng Elasto Painters ang hinahain ng Road Warriors na Michael Miranda plus 2022 first-round pick, at ang Kris Porter -Will MacAloney para rin kay Belga. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.