Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oftana, Warriors hihiritan ang Bolts

0 82

Mga laro ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3 pm – Meralco vs NLEX
6 pm – TNT vs Ginebra
*Bolts, Tropang Giga twice-to-beat

Tinapos ng NLEX ang 11-game eliminations ng PBA Philippine Cup sa 104-101 loss sa Meralco noong Sept. 22 sa Bacolor.

Makalipas ang isang linggo, balik ng Don Honorio Ventura State U gym ang sister teams para umpisahan ang quarterfinals.

Mabigat ang misyon ng seventh seeded Road Warriors, kailangang dalawang beses talunin ang Bolts para umusad.

Hindi na makakahingi ng responde ang NLEX kay Kiefer Ravena na nabigyan na ng clearance para maglaro sa 6th Japan B.League 2021-22, kina Kevin Alas, Jericho Cruz, Don Trollano, JR Quinahan at Kenneth Ighalo muli aasa si coach Yeng Guiao.

Si Calvin Oftana ang namuno sa Road Warriors kontra Bolts noong huli. Nagsalansan ang rookie ng career-high 34 points mula 8 for 11 shooting sa 3s.

Sa likod nina Mac Belo, Raymond Almazan, Chris Ross, Cliff Hodge, Allein Maliksi at rookie Alvin Pasaol ay kinuryente ng Meralco ang No. 2 seeding at sa unang pagkakataon sa prangkisa ay twice-to-beat sa playoffs.

“We’re happy for that,” ani coach Norman Black. “We’re happy to get that twice-to-beat for the first time in the history of the Meralco franchise and we were able to do it.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.