Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW binoga sa Laguna

0 38

Patay ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos siyang pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo sa Calamba City, Laguna, Lunes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ardin Viesca Flores, 31-anyos, tubong San Antonio, Nueva Ecija at residente ng Brgy. Mayapa, Calamba City.

Ayon sa Calamba City Police, sakay ang biktima ng kanyang Honda Click motorcycle at binabaybay ang national highway sa Brgy. Real nang biglang lumitaw sa harapan niya ang suspek at malapitan siyang pinagbabaril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtamo si Flores ng mga tama sa ulo na agad niyang ikinasawi.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.