Abante Tonite Interactive

OFW deployment ban pinairal sa Libya

288

Muling ipinatupad ng pamahalaan ang total deployment ban ng mga overseas Filipino wor­ker (OFW) sa Tripoli bunsod ng umiinit na sitwasyon sa kabisera ng Libya at iba pang kalapit na distrito.

Pinairal ni Labor Secretary Silvestre Bello ang desisyon kasunod ng isinagawang pagpupulong ng Governing Board ng Phi­lippine Overseas Employment Administration (POEA) bunsod ng pumutok na giyera sa Libya.

“The POEA Governing Board in a meeting duly convened resolves and it is hereby resolved, after consulting with the Department of Foreign Affairs, hereby enforces a deployment ban on the processing and deployment of all OFWs, including crew chains and shore leaves of Filipino seafarers, in Tripoli and areas within the 100-kilometer radius of the capital, as identified in the DFA Bulletin,” ayon sa statement na binasa ni Bello.

Ginawa ang desisyon matapos na itaas sa Alert Level 3 ang crisis alert sa Libyan. Noong Nobyembre 2018, pinatupad din ang total deployment ban dahil sa pagtaas ng alert level.

Nauna rito ay itinaas ni Ambassador Elmer Cato sa Alert Level 3 ang ilang distrito ng Libya, ibig sabihin nito ay ipa­tutupad ang ‘voluntary repatria­tion’ phase.

Umabot na sa 47 katao ang namatay at 181 ang sugatan sa bakbakan ng puwersa ng Libyan National Army (LNA) at mga sundalo ng Libya na suportado ng mga international government.