Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW galing UK puwede pumasok sa sa ‘Pinas

0 228

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa United Kingdom (UK) at iba pang bansa na mayroon nang kaso ng bagong COVID-19 strain ay maaaring pumasok sa Pilipinas.

Ani DOLE Secretary Silvestre Bello III, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga OFW na pumasok sa bansa basta’t sasailalim ang mga ito sa 14 araw na quarantine.

Nilinaw naman ni Bello na ang mga OFW lamang ang hindi kasali sa travel restriction pero ang mga kaanak ng mga ito at iba pang balikbayan ay sakop ng ban.

Leave A Reply

Your email address will not be published.