Abante Tonite Interactive

OFW gusto nang umuwi dahil sahod ‘di pinapadala sa pamilya ng employer

34

Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Virgie B. Bautista.

We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW

***

Gusto ko na pong umuwi ng Pilipinas kasi hindi sumusunod sa kontrata ang employer ko pero hindi pa tapos ang kontrata ko. Puede po ba umuwi na kahit hindi pa ito tapos?

Palagi na kasi galit sa akin ang babae kong employer dahil hindi ko na siya minamasahe.

Palagi din nya sinasabi sa akin na malaki daw ang suweldo ko kaya dapat gawin ko lahat ng utos nya.

Problema ko po pati iqama ID ay wala siyang ibinibigay sa akin kahit xerox copy lang.

Ang masakit pa po ay pati padala ko na pera ay hindi naman naipadala pa sa pamilya ko.

Hindi ko rin alam ang address ko dahil nabago ang kontrata ko.

Sana matulungan nyo ako,

Virgie Bautista

roaming #+639275070192 at SAUDI #532926493.

***

Panawagan sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR na bigyang-pansin ang kalagayan ni Virgie Bautista, ay nakaalis ng Pilipinas sa tulong ng S&I INTERNATIONAL MANAGEMENT INC. na recruitment agency dito sa Pilipinas at AKEEM MANPOWER RECRUITMENT OFFICE sa Saudi Arabia.

Nagtatrabaho siya sa isang SAAD ABDULLAH ALOSMAN pero hindi niya alam ang eksaktong address simula noong Nobyembre 9, 2015.

Naipagbigay-alam na ng U-OFW ang kaso ni Virgie Bautista sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno sa Saudi at Pilipinas noong unang Linggo ng Hulyo pero wala pa ring nagiging tugon sa kahilingan ng ating kababayang OFW.