Abante Tonite Interactive

‘OFW Help’ page sa FB inilunsad

215

Upang maipahatid kaagad ang mga hinaing, ini­lunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang opisyal na Facebook page para sa mga biktima ng pang-aabuso na mga overseas Filipino worker (OFW) sa buong mundo.

Ito ay tinawag na ‘OFW Help’ page kung saan sa pamamagitan nito ay mas madaling mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga OFW sa buong mundo.

Sa pamamagitan aniya ng social media platform, layunin ng DFA Office of the Undersecretary for Mig­rant Workers’ Affairs na maging organisado ang pagpoproseso sa lahat ng hinaing ng mga Pinoy worker sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ang naging hakbangin ng DFA ay bunsod ng mas maraming pamilya ng mga OFW ang gumagamit ng Facebook upang madaling magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay na nagta­trabaho sa abroad.

Ayon sa DFA, sakaling hindi makapunta sa pinakamalapit na embahada ng Pilipinas o konsulada ang humihingi ng tulong, maaari silang makipag-unayan agad sa FB.

(Armida Rico)