Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW minaltrato na, ninakawan pa

0 43

Nangako ang Over­seas Workers Welfare Ad­ministration (OWWA) na tutulungan nila ang isang overseas Filipino worker (OFW) mula Kuwait na matapos makaranas ng pagmamaltrato sa kan­yang mga amo ay niloko pa ng mga kapwa Pilipino.

Ayon sa isang ulat, kinilala ang OFW na si Maribel Cantillo, tubong Aurora.

Kuwento niya, dalawang taon siyang nagtrabaho bilang do­mestic helper sa Kuwait at ni minsan ay hindi siya pinayagan ng kanyang amo na mag-day-off.

Bukod dito, hindi siya binabayaran nang tama, kung saan sa halip na P43,000 kada buwan ay nasa P8,000 lamang ang binabayad sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“Marami po akong ano sa kanya. Mayroon ‘yong itinulak niya ako sa hag­dan – buti po, nasalo ako. Mayroon ‘yong sabuyan ka ng tubig. Marami po akong ano doon pero hin­di po ako nagsalita. Tiniis ko lang po,” kuwento ni Cantillo.

Maging bago umuwi ng bansa ay hindi man lang siya binigyan ng pag­kain bago umalis.

May mga nagmagan­dang-loob na kapwa Pinoy at tinulungan umano siya habang nasa gitna ng bi­yahe pauwi ng bansa. Ang problema, ilang kapwa OFW ang ninakaw ang mga perang binigay kay Cantillo habang nasa gitna ng COVID-19 quarantine pagkauwi sa Maynila.

Kaya naman nangako ang OWWA na ‘di nila pababayaan si Cantillo. (Mark Joven Delan­tar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.