Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW modus sa PSA tinalupan ng NBI

0 62

Ni Nancy Carvajal

Ginagamit ang late registration ng mga birth certificate para sa pagpapadala ng mga wala pa sa hustong gulang na overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East, ayon sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa NBI-Airport Division report na may petsang Oktubre 11, ,2021, ang mga menor de edad na babae ay binibigyan ng certificate of live birth para palabasing kuwalipikado na sila sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) requirement.

Sa panuntunan ng POEA, ang mga OFW na nais magtrabaho sa ibang bansa ay dapat na 23-anyos sa panahon ng kanilang pag-apply ng passport at iba pang dokumento para sa employment abroad.

Sabi ng NBI, ang modus operandi ay mag-a-apply ng late registration para sa Philippine Statistics Authority (PSA) Certificate of Live Birth na pirmado ng magpapakilalang kaanak diumano ng aplikante.

Kadalasang ginagawa umano ang naturang modus sa mga probinsya kung saan mahirap i-check ang database.

“The MO is mostly practiced in provinces, where it’s hard to check on the database. The uncle or relative will issue an affidavit for the delayed registration and provide PSA with the details. Voila, the girl has a new birth certificate with a false birthdate, usually,” paliwanag ng isang NBI agent.

Kinilala rin sa NBI report ang isang Abdullah Abdulkadir, na siyang pumirma sa tatlong PSA late registration application para sa mga menor de edad pang OFW na nais magtrabaho sa Kuwait.

Madalas din umano na sinasabi ng kabataang babae na nakapunta na sila sa Gitnang Silangan at babalik lamang sa kanilang mga employer.

“Umulit na sila, meaning they are younger then, maybe only about 19 years old,” sabi ng NBI agent.

Ibinigay na sa kustodiya ng anti-human traffickin­g organization ang na-rescue na mga underage worker.

“The girls are victims twice over, because they are holders of fraudulent documents and passports with falsified dates, they are also charged in court for violation of the Philippine Passport Act,” dagdag pa ng agent.

Leave A Reply

Your email address will not be published.