Abante Tonite Interactive

OFW money galing Middle East papalitan ng BSP

794

Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kanila nang papalitan ang pera ng mga overseas Filipino worker (OFE) na nagtrabaho sa Middle East, partikular sa Iraq, Iran, at Lebanon.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na papalitan nito ng hanggang P20,000 na halaga ang Iraqi Dinar, Iranian Rial, at Lebanese pound na dala ng mga OFW o ng kanilang mga kamag-anak.

Nabatid na inaprubahan ng Monetary Board ang multi-currency exchange facility ng BSP noong Maso 19, 2020 dahil sa kaguluhan sa Middle East sanhi ng alitan ng Amerika at Iran.

Hindi pa mailalabas ng BSP ang circular tungkol sa pagpapatupad ng multi- currency exchange facility dahil sa lockdown sa Luzon at inaasahan nitong magiging bukas ang facility sa loob ng apat na buwan pagkalathala ng circular.

Kailangan lamang magpakita ng patunay sa BSP na bumiyahe sa Iraq, Iran o Lebanon ang OFW tulad ng pasaporte o certified true copy ng travel document nito sa embahada ng Pilipinas sa mga naturang bansa. (Eileen Mencias)

Tonite – Wendys Inhouse Ad