Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW na may bakuna sapol ng COVID

0 66

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang overseas Filipino worker (OFW) na naturukan na ng vaccine sa United Arab Emirates (UAE) bago umuwi sa Mandaue City, Cebu noong Enero 5, 2021.

Ayon sa ulat, sumailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang OFW bilang requirements sa pagbabalik niya sa UAE.

Lumabas sa COVID-19 test na positibo siya sa virus noong Enero 9, 2021.

Tumanggap ang OFW ng unang dose ng COVID-19 vaccine noong Disyembre 12, 2020 habang ikalawang dose noong Enero 2, 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod doon, lima sa pitong kapamilya ng OFW kabilang ang 2-anyos na sanggol ay na-test ding positibo sa virus.

Dagdag dito, asymptomatic ang OFW ngunit ang mga kapamilya niya ay may moderate na sintomas ng virus tulad ng ubo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.