Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW na tinurukan ng Sinovac puwede sa Saudi – DOLE

0 319

Nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maaari namang makapasok sa Saudi Arabia ang mga overseas Filipino worker (OFW) na binakunahan ng Sinovac.

Ipinahayag ito ng kalihim kasunod ng agam-agam ng mga OFW na hindi sila makapasok sa Saudi dahil wala umano sa listahan ng mga aprubadong bakuna ang ginamit sa kanila.

Sinabi ni Bello na ang mga OFW na nabakunahan ay kailangan lang na sumailalim pa rin sa quarantine pagdating sa pupuntahang lugar.

Nilinaw ni Bello na ito ay para sa mga OFW na pupunta sa Saudi Arabia kung saan pinapayagan kahit anong bakuna.

May mga kumakalat kasi sa social media na hindi umano pinapayagan sa Riyadh ang mga biyahero na naturukan ng mga bakunang gawa sa China katulad ng Sinopharm at Sinovac.

“I was contacted by our Labor Attaché Fidel Macauyag in Riyadh, KSA and he told me that those covered by the policy are foreign travelers, our OFWs are excluded,” ayon kay Bello. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.