Abante Tonite Interactive

OFW na umuuwing may nakakahawang sakit dumarami

489

Tumaas ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFW) na bumabalik sa banda na may dalang sakit, ayon sa National Research Council of the Philippines (NRCP) ng Department of S­cience and Technology (DOST).

Sa ginanap na Techno Media Forum sa Quezon City, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na batay sa isinagawang pananaliksik ng NRCP, dumami ang bilang ng mga OFW na nagbabalik-bansa na mayroong problema sa sa cardiovascular at reproductive disease.

Kabilang umano sa mga ito ay tuberculosis, hepatitis, sexually transmitted disease (STD) at ang pinakamalala ay ang pagkakaroon ng human immunodeficiency viruses at kalaunan ay acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS).

Aniya, madalas na nagkakaroon ng HIV/AIDS ang mga OFW na galing sa Middle East countries katulad ng Kuwait, Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain, Israel, Lebanon at Jordan.

Base umano sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 2.3 milyong bilang na ng mga OFW na nagtatrabaho bilang mga household domestic workers, service workers technicians/electricians, plant/machine operator ay nagkakaroon ng reproductive diseases na karaniwan sa mga kababaihan habang sa kalalakihan ay marami ang kaso ng digestive, cardiovascular diseases, urinary/excretory disea-ses, sensory system diseases, neurological at endoctrine disease. (Dolly C­abreza)