Abante Tonite Interactive

OFW nagpa-abort sa Hotel 99, patay

By
2,944

Namatay sa sobrang pagdurugo ang isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) na may tatlong araw pa lamang na nakakauwi sa Pilipinas matapos na magpa-abort umano sa loob ng Hotel 99 sa Bautista St., Quiapo, Maynila kamakalawa nang hapon.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Nelia Sotelo, 32-anyos na galing Dubai.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, noong Martes ng alas-2:00 nang hapon nang mag-check in ang biktima sa Room 526, kasama ang isang Ca­therine San Jose, 36.

Abante Hiring – IT dep

Ilang sandali pa, dumating naman ang suspek na si Luzviminda Tibay, 48, isa umanong ‘abortionist’ at taga-6 Carcer St., Quiapo, Maynila.

Maya-maya ay lumabas na rin ng kuwarto ang suspek at iniwan na ang biktima.

Kinabukasan ng alas-2:30 nang hapon ay bumili ng pagkain si San Jose at pagbalik ay nakita nito ang biktima sa loob ng comfort room na nakahandusay at dumudugo ang ari pero humihinga pa.

Kaagad niyang tinawag ang mga staff ng hotel at nagpatulong na isinugod ang biktima sa pagamutan.

Mabilis umanong binuhat ng mga hotel staff ang biktima sa pagamutan kung saan idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.

Inamin naman ni San Jose sa pulisya na nagpa-abort ang biktima sa suspek at nagbayad ito ng halagang P10,000 para sa ‘trabaho’.

Itinuro ni San Jose ang kinaroroonan ng abortionist sa kanyang bahay sa Quiapo na dahilan para ito maaresto.

Nakatakdang sampahan ng kasong intentional abortion ang suspek na si Tibay.