Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW quarantine na lang imbes swab test

0 77

Masusi na ngayong pinag-aaralan ng pamahalaan kung papayagan nang makabalik sa kanilang mga lalawigan ang mga umuwing overseas Filipino workers (OFW) kahit hindi na sumailalim sa swab test.

Ang kailangan lang, ayon na rin sa Department of Health (DOH) ay makumpleto ng mga OFW ang requirement na dalawang-linggong quarantine bago sila tuluyang makauwi sa kanilang mga probinsya.

“Kung talagang iyong testing is not really accessible, we could just quarantine them for 14 days, and after 14 days they could go back to their provinces,” ayon kay DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.

SM food to go Banner Ad

Kasunod ito ng desisyon ng Philippine Red Cross na ihinto ang pagpoproseso ng real-time reverse transcription-polymerase (RT-PCR) ng PhilHealth sa hanay ng mga OFW kabilang din ang mga dumarating sa mga paliparan at pantalan, mga nasa swabbing facility at mga fronline health at government workers.

Ito’y matapos mabigo ang PhilHealth na bayaran ang utang nito sa PRC na umaabot sa mahigit na ₱930 milyon.

Nangako naman si PhilHealth chief Dante Gierran na babayaran ng ahensya ang mga utang nito sa PRC.

“We want to pay, only that we have to clear some legal issues affecting the memorandum of agreement that was entered into earlier between the management of PhilHealth and the Philippine Red Cross,” ani Gierran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.