Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW remittance lumobo — BSP

0 104

Lumalago na muli ang mga remittance ng mga overseas Filipino worker sa kanilang mga kamag-anak sa bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, uma­bot sa $2.65 bilyon ang pinadalang remittance ng mga OFW nitong Mayo, mas malaki kaysa sa $2.34 bilyong pinadala nila noong Mayo 2020.

Mula Enero hanggang Mayo ay umabot na sa $13.68 bilyon ang pinada­lang remittance ng mga OFW, mas malaki ng halos 7% kaysa sa pina­dala nila noong parehong panahon ng 2020.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa BSP, dumami ang pinadalang remittance ng mga nasa Estados Unidos, Malaysia, South Korea, Singapore, at Canada. Sa Estados Unidos nanggagaling ang 40% ng mga remittance at ito ang pinakamalaking source ng OFW remittance.

Sumunod ang Singapore, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, United Arab Emirates, Canada, South Korea, Qatar, at Taiwan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.