Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW remittances nakakabawi na

0 66

Umabot sa $11 bilyon ang remittances ng overseas Filipino workers mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno, mas malaki na ito kaysa sa remittances na dumadating sa unang apat na buwan ng taon kahit pa bago magkapandemya.

Ayon sa BSP, nasa $10.5 bilyon lamang ang remittances ang pinadala ng mga OFWs sa kanilang kamag-anak sa bansa nung unang apat na buwan nung 2020 samantalang nasa $10.8 bilyon ito nung unang apat na buwan nung 2019 nang mas masigla pa ang ekonomiya ng mundo.

Sabi ng BSP, lumago ng 15% sa $1.9 bilyon nung Abril ang remittances ng mga land-based workers na may mga kontrata para sa isang taon o higit pa kung ikukumpara sa $1.8 bilyong pinauwi nila nung Abril 2020. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.