Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW rumaket ng shabu kalaboso

0 344

Arestado ang isang overseas Filipino worker (OFW) at nakumpiskahan ng umaabot sa P680,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at Makati City Police, kamakalawa.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Ronnie S Montejo ang naarestong suspek na si Ronaldo Asuncion alias ‘Rey’, 47, ng Brgy. Camarin, Caloocan City.

Si Asuncion ay nadakip alas- 4:00 Lunes ng hapon sa kanto ng J.P Rizal at Trabaho Sts., sa Brgy. Olympia, Makati City. Nasamsam sa kanya ang mahigit sa 100 gramo ng shabu at dalawang cellular phones na ginagamit sa transakyon.

Ang suspek na sinasabing kabilang sa drug data base ay nakapiit sa Kamuning Police Station 10 mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.