Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW sa Canada tinurukan ng Pfizer, nagpositibo

0 69

Isa pang overseas worker (OFW) na galing naman sa Canada ang nagpositibo sa COVID-19 kahit naturukan ng bakuna laban sa naturang virus, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Base kay DOH Central Visayas chief pathologist at spokesperson Dr. Mary Jean Loreche, isang 25-anyos na babae ang naturang OFW na naturukan ng isang dose ng Pfizer bakuna kontra COVID-19.

Una nang iniulat na isang 43-anyos na lalaking OFW mula sa Mandaue City ang nagpositibo sa COVID-19 kahit naturukan na ng dalawang dose ng bakuna kontra sa nasabing virus sa United Arab Emirates (UAE).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, ang Pinay na galing Canada ay naturukan umano ng isang dose ng COVID-19 bakuna noong Enero 13 at dumating sa Cebu nitong Pebrero 9.

Na-swab test aniya ang Pinay noong Pebrero 14 o limang araw matapos isailalim sa quarantine at positibo ang resulta ng pagsusuri.

Isasailalim pa umano ang Pinay sa 14 araw na quarantine bago payagang makalabas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.