Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW sa Kuwait natagpuang bangkay

0 122

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes ang pagkamatay ng isang overseas Filipino worker sa Kuwait.

Sinabi ng ahensya na natagpuang patay ang Pinay overseas worker sa loob ng kanyang silid sa Al-Salam area sa Kuwait City noong Marso 14.

Nadiskubre ang kanyang bangkay nang tumawag ng pulis ang mga kapitbahay nito makaraang mapansin na maghapon siyang hindi lumabas ng bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa inisyal na report, suicide ang ikinamitay ng OFW pero hinihintay pa ang resulta ng forensic examination.

“Initial police reports state that the manner of death is consistent with suicide. Complete and comprehensive forensics were undertaken, and we are waiting for the results thereof,” saad ng DFA.

Tiniyak naman ng DFA na mahigpit na mino-monitor ng Philippine Embassy ang kaso. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.