Abante Tonite Interactive

OFW sa kuwait pinatay na binaboy pa

795

Isang 47-anyos na overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi sa kamay ng kanyang employer sa Kuwait ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kinilala ang biktima na si Constancia Lago Dayag, 47, tubong-Agadanan, Isabela.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa DOLE, dinala si Dayag sa Al Sabah Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Abante Hiring – IT dep

“Her body bore various contusions and hematoma,” ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ni Bello na may natagpuang pipino sa ari nito isang indikasyon na biktima ng sexual abuse ang nasawing OFW.

Kasabay nito ay nagpahayag ng pagkondena si Bello sa brutal na pamamaslang sa OFW.

Pinag-aaralan aniya ng DOLE ang posibilidad na ibalik ang deployment ban ng mga OFW sa Kuwait dahil sa sinapit ni Dayag.

“It’s an option,” pahayag ni Bello.
Inatasan rin ni Bello ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait na habulin at panagutin ang foreign at local agency na nasa likod ng deployment ni Dayag.
Pinapanagot din ni Bello ang gobyerno ng Kuwait sa sinapit ng OFW.

“I am taking the Kuwaiti government to task for the gruesome death of yet another Filipino worker in the hands of her employer in Kuwait. Aside from apparent violation of the agreement on the protection of OFWs between our government and Kuwait, there appears to have been a breach of the employment contract by the foreign employer,” bahagi ng pahayag ni Bello.

Noong nakaraang taon ay pinatigil ng gobyerno ang pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait matapos madis­kubre ang karumal-dumal na pagpatay kay Joanna Demafelis, 29-anyos, na natagpuan ang bangkay sa loob ng freezer sa isang abandonadong bahay sa Kuwaiti City noong Pebrero 2018.

Suspek sa pagpatay kay Demafelis ang kanyang mga employer na parehong naaresto.

Inalis rin ng gobyerno ang deployment ban sa Kuwait matapos na pumirma sa isang Memorandum of Understanding ang dalawang bansa para mabigyan ng proteksyon ang mga OFW sa Kuwait, partikular ang mga household service worker o HSW. (Mina Aquino/PNA)