Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW sa Papua New Guinea dinukot, tinodas

0 100

Natagpuang nakahandusay sa isang damuhan sa Papua New Guinea ang bangkay ng isang OFW na pinaghihinalaang dinukot pa bago pinatay kamakailan.

Batay sa ulat, kinilala ang napatay na OFW bilang si Romulo Antonio, 37-anyos.

Kwento ng kanyang kapatid sa Pilipinas na si Arlyn, Marso 5 noong huli niyang nakausap si Antonio na may pupuntahan lang.

Ngunit naalarma na sila nang hindi na nila ito nakontak ulit at nang hindi na ito nakauwi sa tinitirhan sa Papua New Guinea.

SM food to go Banner Ad

Nang humingi ng tulong sa mga awtoridad, nakita sa isang damuhan ang bangkay ni Antonio.

Agad namang nahuli ang mga suspek, kung saan isa pa sa kanila ang umamin sa nagawang krimen.

Bakas sa bangkay ni Antonio na hinampas ito sa ulo ng mga salarin bago kunin ang kanyang cellphone at mga ATM card. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.