Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW tinapos buhay sa quarantine hotel

0 296

Pinaniniwalaang nagbigti ang isang 40-anyos na lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa Papua New Guinea matapos itong matagpuang nakabitin sa banyo ng tinuluyang quarantine hotel sa Pasay City kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, nakabitin ang bangkay ng OFW sa banyo ng tinuluyan nitong kuwarto sa ikapitong palapag ng Citadines Bay City nang matagpuan ito ng hotel staff at duty marshal ng Philippine Coast Guard (PCG) bandang alas-11:17 ng umaga.

Sadyang hindi na pinangalanan ng Abante Tonite ang nasawi.

Nabatid na pumasok sa quarantine hotel si Gallatoza ganap na alas-9:34 ng gabi noong Enero 2, 2022.

Nagtaka umano ang mga tauhan ng hotel nang hindi ito sumagot para tanggapin ang ipinadala ng kanyang mga kamag-anak na supply ng mga grocery item.

SM food to go Banner Ad

Sinikap din umano ng mga tauhan ng hotel na tawagan ito sa telepono pero hindi sumagot kaya humingi na sila ng tulong sa duty marshal ng PCG.

Kasama ang security supervisor at mga tauhan ng engineering department ng hotel, sapilitan nilang binuksan ang kuwarto ng OFW at tumambad sa kanila ang nakabitin nitong bangkay sa shower room.

Blangko pa ang pulisya sa dahilan ng suicide subalit patuloy pa rin ang pag-iimbestiga para malaman kung may foul play sa insidente o sadyang nagpakamatay nga ang biktima.

Bahagi ng protocol laban sa pagkalat ng COVID-19 na isailalim sa quarantine ang mga galing sa ibang bansa. (Mia Billones/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.