Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OFW todas sa Libya pandemic

0 203

Kinumpirma Philippine Embassy sa Tripoli ang unang kaso ng pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Libya dahil sa COVID-19.

Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay nitong Miyerkoles na ginagawan na nila ng paraan para maiuwi sa lalong panahon ang labi ng OFW sa gitna ng sigalot at travel restrictions sa Libya. Nagpahatid na rin aniya ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng namatay na OFW.

Sinabi ni Dulay na mahigit 1,000 ang mga OFW na nagtatrabaho sa mga ospital sa Tripoli at mga kalapit nitong lugar. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.