Ogie asymptomatic sa COVID

Inamin ni Ogie Alcasid na asymptomatic siya ng COVID-19.
Post niya sa kanyang Facebook account”
“Hi dear friends. i know i have been a little inactive lately. The reason is i was in isolation. I was positive igm and igg sa rapid test ng asap. Took another test pero negative. So para may tie breaker, took another and i was still positive sa igg. So protocol of HR is that i take the PCR swab and that i did last Monday. Masakit sya.
“Got results today after 4 days and I am negative. Praise The Lord!!!
“Dami kong kwento sa isolation and communion with God. “Grabe… kwento ko soon. Love you guys Hallelujah
Btw, i was asymptomatic the whole time.
Will show you videos soon.
Ingat po ang lahat.”
@@@
LizQuen bigo kay Marcoleta
Mukhang walang epekto ang pagkatok nina Enrique Gil at Liza Soberano kay SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta tungkol sa prangkisa ang ABS-CBN.
Sey niya sa huling franchise hearing sa Kongreso.
“Naramdaman ko ang kanilang katapatan. Sana ganoon po ang ABS-CBN.
“Sa kanilang dalawa, alam ko na nauunawaan nila na ito po ay tawag lang ng tungkulin, at hinahangad ko ang higit na tagumpay para sa kanila sa mga darating na panahon.”
‘Yun na!
Kuya Kim may patama sa trivia
Trending si Kuya Kim Atienza dahil sa trivia niya sa Twitter. Suspetsa ng mga netizen ay may kinalaman ito sa walang humpay na pagkontra ng ilang basher na mabigyan ng franchise ang ABS-CBN 2.
Ilan sa trending trivia ni Kuya Kim ay “Alam niyo ba na crocodiles shed tears not because of emotion? They release saline deposits by crying. Ang idiom na crocodile tears ay pagluhang hindi sinsero.”
“If they ‘hated’ my network (past tense) that means they love it now. (present tense) Alam mo ba na ang ‘Kamo’ ay lumang salitang tagalog mula sa dalawang salitang ‘wika mo’. #kuyakimtrivia.”
Buong ningning ding sinabi niya na ayaw niya sa politika
“I will always be your Kuya Kim. I’ve long said no to politics. With or without ABS, I’ll always be your kuya never your cong(ressman).”
“Alam niyo ba na lahat ng mambabatas ay bayaran? Meron po silang salary grade na 31 at may yearly salary na 257,000. (plus allowances) Bayaran po lahat sila. Hindi po sila libre.”
At ito pa, “Alam mo ba pag 5 lang ang followers malamang ito ay isang troll account. Ang troll ay mula sa salitang Danish na Trold na ang ibig sabihin ay ugly dwarf.”
Talbog!