Abante Tonite Interactive

Ogie, ‘di napikon kay Karla

By
4,198

Madalas ay naaaliw kami at natatawa sa posts ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.

Si Ogie ay kilalang talent manager ni Liza Soberano at napapanood ngayon sa seryeng “The Blood Sisters”. May libro rin siyang sinulat na pinamagatang Pak! Humor (Life is Short. ‘Wag Kang Nega) na mabenta sa National Book Store.
Narito ang bahagi ng post niya, “Ano’ng tanong mo? Etong sagot ko…”

–Mama Ogs, ang salbahe nu’ng Agatha sa “The Blood Sisters,” ‘no?

“Oo. Pag nagkikita nga kami sa set no’n, di ko pinagkakakausap baka masapok ko.”

–Mama Ogs, may ipinagawa ba si Arci Munoz?

“I think yung bahay niya. Charot!”

“Mama Ogs, ano masasabi mo? Tinitira si Karla Estrada sa sinabi nitong, “O, siya. Tama na ang plastikan!” pagkatapos mong mag-birthday message kay Vice Ganda sa GGV?

“Hindi naman ako na-offend. ‘Yung nakapanood siguro ‘yung na-offend for me. Masyado lang sigurong naging komportable si Karla sa akin, kaya tingin niya sa akin, parang si Melai, hahaha!”

–Mama Ogs, i-manage mo naman ang anak ko. Mabilis siyang umiyak.”

“Bakit ho kailangan pa ng manager? Hindi n’yo po ba kayang patahanin ang anak n’yo?”

–Mama Ogs, ano masasabi mo, nakulong at nakalaya din si Xian S. Gaza? Di ba, kaibigan mo ‘yon?

“Kumpare ko ‘yon, ninong ng anak ko. Nalungkot ako sa nangyayari sa kanya. Kaya sana, idiretso na niya buhay niya bago tanggalin ang braces niyang 48 years na.”

–Mama Ogs, iboboto mo bang Senador si Mocha Uson?

“Kayo naman. Nagbibiro lang ang Pangulo, sineryoso n’yo naman.” (Roldan Castro)