Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie handa na sa bakuna

0 346

Tinanong namin sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion kung magpapabakuna ba sila. Marami na rin kasi ang sabik sa live concert at magiging safe lang ito pag nagpabakuna ang mga performer at manonood.

Sa ngayon kasi ay hanggang virtual concert pa rin ang kadalasang ginagawa gaya ng Virtually Yours, KilaboTitos na mapapanood sa KTX.ph sa March 26, 8PM.

Hindi pa raw pumapasok sa utak ni Ian ang tungkol sa bakuna.

“I haven’t formed an opinion about it, but I think that’s the only way to go for everyone.Pero kung anong klase,hindi ko pa alam,” pakli ni Ian.

Sey naman ni Ogie“Ako actually, I think our family is ready.Halos lahat ngayon, nagri-research tungkol sa bakuna, lalo na yung asawa ko.Parang gusto namin si Pfizer or Moderna or si Astra Zeneca. Any of those three, parang okay sa amin. Yeah, I’m willing.”

Anyway, tungkol pa rin sa Virtually Yours, KilaboTitos supposed to be ay last year pa ang concert na ito sa New Frontier Theater pero inabot ng lockdown sa COVID-19.

Pero ngayon tuloy na tuloy na sa online.Hindi na mabibitin ang mga tito at tita.

Ang atake nila ay parang live concert din na iti-tape sa Music Museum.Dalawang araw daw nilang gagawin ito sa venue.

‘Lumang tao’ rin ang tawag ni Ogie kay Ian dahil pareho ang gusto nilang kantahin. Meron silang Beatles, Spandau Ballet atbp. Enjoy raw si Ian sa mga musika ng 70s at ‘80s.

Marami rin silang kakantahin na hindi pa napapanood sa mga nagdaan nilang konsiyerto.Ang problema nga raw nila ay kung ano ang mga kantang babawasin.Kung sila ang masusunod ay baka umabot ng limang oras ang concert.

SM food to go Banner Ad

Ang “Virtually Yours, Kilabotitos” ay presented by ATEAM at Frontrow. Gold partner nila ay Katinko, with silver partners PLDT, Pascual Lab, Potencee, C-Lium, Ascof Lagundi, Oracare and Conzace. Sumuporta rin ang BugisPH at Fernandos Bakeshop.

Pak!

 

Carmina lumabas ang sungay

Lumabas na ang sungay at masamang balak ni Carmina Villarroel sa seryeng “Babawiin Ko Ang lahat”. Walang makakapigil sa kanya na bawiin ang dating asawa at manira ng pamilya.

Challenging naman sa kanya ang kontrabida role at trending din ito sa socmed.

Siya ang magsisilbing tinik sa bida ng serye na si Pauline Mendoza. Susubukan niyang agawin ang lahat kay Iris (papel ni Pauline), pahihirapan at pababagsakin.

Kung may sulutan, awayan sa ‘Babawiin ko Ang lahat’, nu’ng mag-lock in taping naman sila ay happy lang ang buong cast kasama sina John Estrada,Tanya Garcia Kristoffer Martin, Dave Bornea, Therese Malvar, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa. Grabe ang bonding nila at tumibay ang samahan.

Anyway, mapapanood ang ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa GMA Afternoon Prime, 3:25PM.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.