Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie, Liza naghiwalay na magkaibigan; parehong naging milyonaryo

0 336

NI:CRISTY S. FERMIN

Ibang klaseng kaluluwa ang komedyante-manunulat-manager na si Ogie Diaz. Pinagbubuksan niya ng pintuan ng kanyang puso ang magagandang pangyayari, itinatapon niya ang malulungkot na alaala, kaya siya sinusuwerte.

Sa paghihiwalay nila ng landas ni Liza Soberano pagkatapos nang labing-isang taon bilang manager-talent ay masaya pa rin siyang magkakandado ng pintuan.

Minsan, habang nanananghalian kami sa Obra Ni Nanay ay sinabi sa amin ni Ogie, “Pipirma kami ng contract mamaya ni Liza para sa isang product endorsement.

“Habang pumipirma ako, ang nasa isip ko, ‘Thank you, Lord, may ipambabayad na naman ako sa mga doktor at sa lahat ng mga pangangailangan ng anak ko.”

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang kanyang bunsong anak na si Miracle, si Meerah, ginastusan niya nang milyun-milyong piso para lamang mabuhay.

SM food to go Banner Ad

Ang pagpirma nila ng kontrata ng kanyang alagang si Liza ay dumami, maraming-marami kasama na ang paggawa ng pelikula, serye at mga shows sa iba-ibang bansa.

Sumikat si Liza Soberano, binago ng pinagpagurang trabaho ni Ogie Diaz ang estado ng buhay ng dalaga, kung paanong mula sa matagumpay nilang pareha bilang manager-talent ay nakaligtas si Miracle at naging milyonaryo silang pareho ni Liza.

‘Yon ang nakatago sa puso ngayon ni Ogie Diaz, masaya pa rin siya sa kabila ng kanilang paghihiwalay ni Liza, dahil ang dami-dami niyang magagandang alaalang mababalikan.

Hindi biro ang labing-isang taon na pinagsamahan nila, parang tunay na anak na ang turing ni Ogie kay Liza, pero napakahalagang naghiwalay sila nang magkaibigan pa rin.

Hindi si Liza Soberano ang simula at wakas ng buhay ni Ogie bilang manager, siguradong bubong ang magbubukas uli para sa kanya, dahil kumbaga sa magsasaka ay malamig ang kanyang kamay sa pagpapasikat ng artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.