Abante Tonite Interactive

Ogie nag-donate ng 24 taon collection kay Angel

0 341

Hindi nagdalawang isip ang actor-singer na si Ogie Alcasid na i-donate ang kanyang koleksyon para makatulong sa donation drive ng aktres na si Angel Locsin. Ito’y para bigyang daan ang mass testing. Binuksan nilang muli ni Anne Curtis ang Shop and Share na maaaring i-donate ng artista ang kanilang mga personal na gamit para i-auction.

Ibinahagi ni Ogie sa kanyang Instagram ang kanyang Star Wars collection na iniipon na niya sa loob ng 24 na taon.

“Been collecting these for 24 years… time to let go of some items so someone else may take care of them and also more people can be tested of covid. Helping an angel with her advocacy. Go angel locsin,” caption niya sa post.

Nagpasalamat naman si Angel sa donasyon ni Ogie na buong pusong ibibigay ang koleksyon.

“Thank you, kuya! Ang dami!,” ani Angel.

Positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizen at saksi ang iba sa pagiging generous ng singer.

@Chuck Abello, “You are doing an incredible thing here, buddy! This is an awesome collection you have here and to donate them for a good cause is truly heroic!

Ani Paolo Bustamante, “Chuck-Chuck, a couple of years ago, in one of our Christmas parties, he just led us all down to this room, and he let us shop and take home 3 items each. He was geenrous back than, and is even more generous now.”

Komento pa ng iba,

@Louie Almario, “impressive collection, and a more amazing heart in the person disposing it.”

@Lynn Sherman, “Wow some pa with the original boxes/ covering ? That should fetch a good price I believe. How kind of you !”

@Ricky P. Gonzales, “Naiyak naman ako, Ogs. Godbless you.”

Aminado si Ogie na masakit ito sa kanya bilang collector subalit mayroon umanong higit na nangangailangan.

Sey pa nig singer-actor, “wow grabe pala epekto ng toys…. will update you all guys. masakit but I gotta do this. so many people need help. God bless everyone.” (Rona Ronda)

Tonite – Wendys Inhouse Ad