Abante Tonite Interactive

Ogie parang gustong patigilin ng groom na kumanta

2,222

tonite-this-is-it-roldan-castro
Natawa kami sa kuwento ni Ogie Alcasid nang ku­manta siya sa isang kasal. Inimbita siya ng parents dahil paborito nila ang mga kanta niya. Pero habang ku­makan­ta si Ogie mukhang ‘yung mga ma­gulang lang ang naaaliw. ‘Yung bride ay hinihimas na niya dahil parang gustong mag-text. Tapos ‘yung groom parang gusto nang matapos o patigilin si Ogie na kumanta.

 

Pero tanggap niya ang katotohanan na iba na ang kanta na type ng mga millennial. Ito ‘yung parang monotonous, chill lang at hindi umaakyat ang hugot. ‘Har-har’ kung tawagin nila. Subok din niya ito nu’ng gawin nila ang ganoong klaseng kanta sa concert nila sa #paMORE. Isa raw yon sa mga applauded.

Samantala, ipagdiriwang ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid ang kanyang ika-30 anibersaryo sa industriya sa pamamagitan ng isa sa pinakamalaking musical events ng taon— ang ‘OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra’ concert na magaganap sa Agosto 24 (Biyernes) sa Araneta Coliseum.

Abante Hiring – IT dep

“Magkakaroon kami ng malaking fiesta atmosphere sa openin­g number na mayroong 80 hanggang 100 performers sa stage,” pagba­bahagi ng singer-songwriter. “Gusto naming ipagdiwang ang lahat ng may tatak Pilipino.”

Handa na ngang magbigay ng all-out performance si Ogie para sa musikang tutugtugin ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra, ang ensemble na kasama niya sa bonggang musical collaboration para sa ‘Nakakalokal’ album na inilabas niya noong 2017.

Sasamahan ang ‘Your Face sounds Familiar Kids’ judge sa musical milestone na ito ng Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Bahagi rin dito sina Rey Va­lera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Leila Alcasid, Sarah Alcasid, Nate Alcasid, Ban Sot Mee, at ang Hotlegs.

Ididirek ang naturang concert ni Paolo Valenciano, sa ilalim naman ng musical direction ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra maestro na si Gerard Salonga.

Huwag palampasin ang 30th anniversary show ni Ogie sa darating na Agosto 24 (Biyernes), 8 PM.

‘Victor Magtanggol’ patok

Simula nang umere ang Victor Magtanggol, hindi na tinigilan ng Kapuso viewers ang pagsubaybay sa primetime series ni Pambansang Bae Alden Richards. Bukod sa bago sa kanilang panlasa, kakaiba raw ang naging atake ng GMA sa telefantasyang ito dahil sa world class nitong special effects at siyempre sa all-star cast nito.

Proud din sila sa ipinakikitang development ni Alden sa akting. Marami ang pumupuri sa kanya dahil kahit saan mo raw ilagay—sa heavy drama, romance, o kahit comedy, benta ang husay ni Alden. Ngiti pa lang ni Alden, panalo na dahil ang sarap panoorin on screen at talagang tu­tutukan ang bawat episode.

Mikael-Megan aso ang katabi sa pagtulog

Bukod sa parehong traveller at adventurer sina Mikael Daez at Megan Young, tila nakakita pa ang Kapuso actor ng kanilang denominator—ito ay ang pagiging mahilig sa aso. Naging specific pa nga si Mikael sa kanyang Instagram post dahil sinabi niyang mas clingy sila sa aso kapag tulog. Kaya naman ang hashtag ng ‘The Stepdaughters’ lead star sa naturang social media post ay #dognapper o mahilig matulog na may kasamang aso. Ang kulit lang, huh! Bukod dito, pwede ka pa bang mag-share sa amin ng mga pagkakapareho niyo ni Megan?

Aleckcis katakam-takam

Panlaban ng Parañaque City si Aleckcis sa Miss Global Philippines. Siya ay isang international figure skater na nirepresenta na ang Pilipinas sa iba’t ibang kompetisyon sa Asia kasama na ang Asian Junior Figure skating challenge. Nagsimula siya sa edad na 7 and has brought medals sa loob ng 9 years then nag-pursue sa pagsali ng pageants as her first passion.