Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie ramdam ang love nina Janine, Paulo

0 142

Tinanong si Ogie Alcasid kung nakaka-relate ba siya kina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na diumano’y nagtatago ng real score ng relasyon. Dati kasi ay sila na ni Regine Velasquez pero secret pa rin.

“Ang sagot ko diyan ay super.

“Actually, hindi ko naman sila masisi kung gusto nila sikretuhin ‘yan kasi ang sarap kaya nun yung kayo lang nakakaalam, di ba?Special siya ,eh so, naiintindihan ko ‘yun. Ha!ha!ha!Kung ganoon ang situation. At the same time, they keep us guessing, which adds to the intrigue…Malay natin, hindi natin alam kung ano ang nangyayari pero naiintindihan ko talaga,” bulalas ni Ogie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Duda ba siya na silang dalawa na?

“Ako, sa totoo lang di ko alam pero alam kong may gusto sila sa isa’t isa.
’Yun ang nararamdaman ko, ‘yun ang pakiramdam ko. Di ko alam kung tama ang nararamdaman ko pero ‘yun ang energy na nakukuha ko,eh,” bulalas pa niya.
Anyway, guest ni Ogie sina Paulo at Janine sa US concert tour titled ‘OA sa Love in the USA.” Magsisimula ito sa March 26 sa Alex Theatre sa Glendale California , April 2 sa Sycuan Casino Resort & Spa sa San Diego, California at sa April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon, California .

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.