Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie, Regine hiwalay sa kuwarto

0 282

NI: VINIA VIVAR

Nagbalik trabaho na rin si Ogie Alcasid sa It’s Showtime.Dahil dito, nagdesisyon daw sila ng misis na si Regine Velasquez na maghiwalay muna sila ng kuwartong tutulugan sa bahay.

Nag-post sa Instagram si Ogie ng larawan niya kasama ang kanilang alagang aso at aniya, ito raw muna ang kanyang kasama sa kuwarto.

Ang paghihiwalay nila ng asawa’t anak ay bilang pag-iingat na rin dahil nga sa mataas na bilang ng COVID-19 positive.

“My room mates in the mean time. Wifey and I decided that I sleep on my own because i have gone back to work. We are just thinking of nate as he is the only one not vaxxed in our family.

“Medyo mataas pa talaga ang mga bilang kaya nag iingat lang. we are all swabbed and tested in abs cbn and follow all health protocols very strictly.

“Maigi na rin po na mag ingat. Stay safe everyone!! God bless you,” caption ni Ogie

Leave A Reply

Your email address will not be published.