Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie, Regine muling binagabag ng Covid

0 480

Isang taon na simula nang isalalim ang bansa kasama ang Metro Manila sa lockdown o enhanced community quarantine ngayong Marso 15.

Kahit nagbukas na ang karamihan sa mga negosyo at nagluwag na sa iba’t ibang parte ng bansa, nananatili pa ring maraming kababayan natin ang nangangamba sa kanilang kaligtasan at kalusugan. Ito ay sa kabila na nagsimula na ang pagbabakuna sa mga piling sektor ng bansa tulad ng health workers at ng military. Dumarami kasi ang kaso ng Covid- 19 dahil sa variant na nakapasok sa bansa.

Dahil dito, hindi naman napigilan ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na mabahala sa bilis ng hawahan ng corona virus.

Sey ni Ogie: “The numbers are rising. Many are afraid. Many are panicking. Many are angry. Let us regroup. Let us gather more strength and let the Lord’s peace reign in our hearts and minds. Kami ay takot din. Hindi kami nagtatapang -tapangan. Nais lang namin hikayatin kayo mga ka-FB na humugot pa ng lakas sa pinagmulan ng Kalakasan. Let us keep praying.” Inengganyo nila ang lahat na magtulungan at gawin ang kanilang parte para mapaglaban ang virus lalo na sa pagdarasal.

Bea na-stress sa baka

Pagkatapos ng house tour niya noon, ipinasilip naman ni Bea Alonzo ang naipundar niyang Beati Firma farm sa Zambales. Nakatira dito ang kanyang ina at kapatid kasama ang pamilya nito. Sa farm tour, ipinakita niya ang kanyang plantation ng mahogany tree. Ito raw ang napili niyang uri ng kahoy na itanim dahil pag yumabong daw ito ay may ready buyers na ito mula sa furniture makers. Ipinakita rin niya ang kanyang mango at calamansi farm na buong pagmamalaki niyang sinabi na hindi sila gumagamit ng pesticides. Ipino-promote raw kasi ng farm niya ay everything organic, natural at eco-friendly. Pati ang kuryente raw nila ay solar-powered. Sa kanyang virtual tour, ipinakita rin niya ang cattle at hog farm. Na-stress naman si Bea nang habulin siya ng isang baka sa kanilang paglilibot. Pinakalma naman siya ng kanilang caretaker dahil bet lang daw ng bakang makipaglaro sa kanya dahil hindi siya madalas nakikita.

Marami naman ang bumilib sa aktres dahil sa kabila ng kanyang naipundar ay nananatili itong humble. Marami rin ang humanga sa aktres sa pagiging masinop nito sa pera at pagi-invest ng kanyang kita.

Sey nila, kung gugustuhin daw ni Bea ay puwede na itong mag-retire nang kumportable. Dagdag pa nila, masuwerte raw ang lalakeng makakatuluyan nito dahil magaling daw itong maghawak ng pananalapi.

Inspirasyon din daw si Bea sa lahat dahil sa edad na 33 ay marami na itong napatunayan hindi lang bilang aktres kundi bilang businesswoman. Bukod sa farm, kasosyo rin si Bea sa isang pamosong restaurant.

Matteo, Mommy Divine ‘happy ending’ na

Maraming Popsters ang nagbunyi sa latest post ni Sarah Geronimo sa kanyang IG account.

Iprinomote kasi ng Popstar Royalty ang negosyo ng kanyang inang si Mommy Divine.

Hirit ng mga netizen, finally, masasabi raw nilang bati na talaga ang mag-ina .

Sey naman ng iba, hindi raw natiis ng singer-actress ang ina. After all, isa raw “Mama’s girl” ang Tala singer. Bilib din sila sa pagiging mabuting anak ni Sarah.

Ayon naman sa iba, apo na lang daw o tubo sa puhunan mula kay Sarah ang hinihintay ng ina.

Sey naman sa ilang bitchy netizens, gusto nilang makita na magkasama sa isang photo sina Matteo at Mommy Divine para naman happy na raw ang ending.

Leave A Reply

Your email address will not be published.