Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie, Regine pinagtawanan ng kapwa artista

0 965

Nagpakitang-gilas na naman ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa TikTok.

Bentang-benta nga sa kanilang followers ang latest video nila na nagsasayaw.

In-upload ni Ogie sa kanyang Instagram page ang TikTok video nila kung saan ay makikitang pareho pa silang nakapangtulog habang nagsasayaw.

Caption ni Ogie, “Kailangan maliit lang ang galawan para kay #everafter #everafterchallenge @reginevalcasid.”

Nakakaaliw ang video dahil makikitang kinabog talaga ni Ogie sa pagsasayaw ang kanyang misis. Sobrang taas ng energy niya, sobrang likot at nasakop pa ang espasyo ni Regine. Si Songbird ay hindi na halos makasayaw sa katatawa sa kanyang mister.

Sa comment section ay nagsipag-komento ang mga kapwa artista at tawang-tawa sila kay Ogie.

“Kuya Ogie!!!! Medyo matamlay ha,” komento ni Jolina Magdangal.

Sabi naman ni Iza Calzado, “kulang ka ng energy, Kuya Ogie. Pakitodo pa please. 😝 Cute ninyo!!”

Naaliw rin sa video si Dra. Vicki Belo. Comment niya mas malandi raw si Ogie na magsayaw kaysa kay Regine.

“Hahaahahhaaha. Kavoooowwwggggg naman Sir Ogie and Idol,” reaksyon ni Angeline Quinto.

Si Melai Cantiveros naman ay walang katapusang tawa ang isinagot. “Hahahhhahahahahahahahhahhahhahahahahahhahaahaaahahahahaahaahhahaahathe Best tlga,” post niya.

Nag-react din ng face with tears of joy emojis si Pops Fernandez.

Comment naman ni Karen Davila, “hahahaha 😂 wala nang liliit pa ng galaw dear? @ogiealcasid.”

Anyway, natutuwa naman ang fans nina Ogie and Regine na laging may pangpa-good vibes ang mag-asawa sa kanila. At least ay napapasaya raw sila ng kanilang idolo especially nga sa panahon ng pandemya.

@@@

Iwa nagger sa anak ni Jodi

Proud mommy si Jodi Sta. Maria ngayong graduate na ng high school ang anak nila ni Pampi Lacson na si Thirdy.

Ipinost ng aktres sa kayang IG ang moving-up ceremony photo ng anak at binati niya ito sa narating na milestone.

“Anak, I know you told me not to post this kasi ayaw mo yung hair mo sa photo (gwapo ka parin anak) but I couldn’t help it!!! I am just so proud of you! It wasn’t easy but by the grace of God you made it 🤍 Congratulations anak 😊 2 more years may college student na kami.
You are now a step closer to your dreams.
I love you, Muy 🤍

“To our dear teachers…THANK YOU! Your patience is second to none! I am grateful for your gentle guidance and willingness to help. Mabuhay kayo,” ang mensahe ng pagbati ni Jodi.

Maging ang stepmom ni Thirdy na si Iwa Moto ay hindi nagpahuli at binati rin ang bagets. Proud din ang current partner ni Pampi sa milestone ng kanyang stepson at humingi ng pasensya sa kanyang pagiging nagger.

“Hi kuya! Congratulations anak! We are proud of you! Pasensya na kung nagger ako tuwing may need kang ipasang requirements. Hhahha. Next schoolyear ulit maririndi ka nanaman sakin🤣😂🤣😂 hahhaa. But kidding aside We love you 😍 see you soon babe. @iam.thrdy

“P.S. sana ganyan na lagi hair mo,” ang mensahe ni Iwa kay Thirdy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.