Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ogie ‘salaula’- Vice

0 216

NI: VINIA VIVAR

Sa kanyang recent vlog kasama ang dyowang si Ion Perez ay ibinahagi ni Vice Ganda ang mga taong nagmarka sa kanya sa taong 2021.

Una niyang binanggit ang co-host niya sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.

“Isa si Vhong sa mga main sources ko ang saya bago matapos ang 2021. Kasi ‘yung last part ng 2021, unti-unti na naming nabubuo ulit yung Showtime.

“Feeling ko nun’g nanumbalik ‘yung energy ni Vhong, nun’g nanumbalik yung kumpyansa niya, nun’g nanumbalik yung saya sa mata niya, feeling ko ang laki ng epekto sa akin,” sey ni Vice.

Dagdag niya, “sumasaya ako dahil sa kanya. Tapos nun’g sumasaya ako, feeling ko, mas lalo kong naibibigay ‘yung dapat kong ibigay sa Showtime. ‘Yung ganun’g vibe ni Vhong nakakagaling. Parang gumagaling ako pag ganu’n si Vhong.”

SM food to go Banner Ad

Pangalawa niyang binanggit ay si Ogie Alcasid na bagong co-host nila sa show.

“Ang laki nung naibigay niya noong dumating siya sa Showtime. May binigay siyang bagong lasa e,” sey ni Vice tungkol kay Ogie.

Dagdag naman ni Ion, hindi raw nila in-expect na ganu’n pala si Ogie.

“Oo, ganu’n pala kasalaula ‘yung Ogie Alcasid,” sambit naman ni Vice.

“Silang dalawa ni Vhong Navarro together, they made my work a lot easier and they made my hosting a lot happier. Silang dalawa, pag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako dahil sa kanila, and hopefully, ganoon din ako sa kanila. Sana kapag kasama nila ako, gumagaling din sila. Sana naibibigay ko rin yung naibibigay nila sa akin,” patuloy niya.

Kaya sina Vhong at Ogie raw ang sa tingin niya ay may malaking kontribusyon sa kanyang happiness last year at nagsara ang 2021 na happy siya dahil sa mga magagandang nangyari sa show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.